Bayan 'kong irog,
luwalhati sa iyong yakap
Estadong mapayapa,
sagana iyong yaman
Inang Perlas, buklod
buklod ang kinang
Yakap ng dagat,
hinihimas ng hangin
Sino pa’t sagana siya
pang wala
Sino pa’t mapayapa
siya pang inaaway
Dapatwa’t salunga ang
paniniwala
Mag’sang lupa
tinatamnan
Mag’sang patrimonya
iniingatan
Bayan 'kong irog,
Estadong mapayapa
Yakap ng dagat,
hinihimas ng hangin
Yamang pinagnanakawan
Patrimonyang iniingatan
Na babasag sa
sariling yakap
Paniniwalang magkaiba
wumawasak
Sa mag’sang sa lupang
pinagtatamnan
Ina ‘kong irog,
matuto kang makinig
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento